Tuesday, December 31, 2024

 SULATIN #4

Kanser ng Lipunan

     Marami sa lipunan natin ay may nagaganap na kanser katulad na lamang ng aking kakilala na patingkol sa druga na kanyang ginagamit na nakakaapekto sa kanyang sarili. Ang mga epekto nito ay nakakabahala sa kanyang pamilya na maging sa kanyang kilos ay nagiiba na kagaya na lamang ng mga kilos niya sa pakikitungo niya sa kanyang pamilya na nakakaapekto sa kanyang anak na pati na rin ang kanyang anak ay nahihirapan o natatakot sa kanyang kilos ng dahil sa paggamit ng druga. Ang bawat nararanasan ng kanyang anak ng dahil sa kanya ay nakakaapekto rin ito sa kanyang asawa may pagkakataon na nagtatalo sila ng dahil sa ginagawa nito kagaya na lamang ng pagtatrabaho ay hindi na nito nagawa na naka apekto sa mamumuhay nila at hangga't hindi ito magbabago ay ganito parin ang sistema nito.


Sa patuloy na ganun ang ginagawa niya ay anak nakakaramdam at nakakaapekto ito sa kanyang pag-aaral. Ang kanyang karanasan ay ginagawa na lamang niyang patago dahil ayaw niyang ipakita ang kanyang nararanasan. Sa paraang siya ay namali ng landas o desisyon na nakaapekto sa kanyang pamilya higit niya itong pinagsisihan na nakasira sa kanyang pamilya.


Bagama't ito man ay nangyari sa kanilang pamilya ang ilaw ng tahanan ay ginagawa ang lahat upang mapanatag ang pamilya nito. Ang panganay naman ay nagaaral ng mabuti upang makapagtapos ng magaaral upang makatulong ito sa kanyang magulang. Ito man ang nararanasan ng pamilya ay hindi pa rin susuko sa hamon ng buhay kahit maraming pagsubok na dumating.


No comments:

Post a Comment

Hell University ( Book Review) Sta. Lucia High School# 30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia,  Pasig City Hell University ni KnightInBlac...