SULATIN #6
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Ito ay nagbibigay ng pahayag na nasa tao ang gawa o nasa magiging aksyon ng isang tao ang kanyang gagawin. Para naman sa awa ay nagpapahayag na nasa diyos ang kanyang gagawing awa na nakadepende sa iyong gawa. Naka alang-alang ang gawain ng isang tao sa ibibigay na awa ng diyos. Kung ano man ang ibinigay na awa ng diyos ay nakabase rin sa iyong ginawa sa iyong kapwa.
Lahat ng bagay na ating ginawa o ginagawa ay alam ng diyos, kaya kung ano ang ginawa natin sa kapwa natin ito ay babalik sa atin. Bagama't hindi natin alam ang takbo ng ating kapalaran nasa diyos awa kung paano niya tayo tutulungan. Kahit mahirap ang buhay o gaano kahirap ang ating pinagdadaanan.
Kahit ano mang mangyari ang importante ay gumawa tayo ng mabuti dahil tiyak na babalik sa atin iyon. Kahit na may mali man tayong desisyon sa buhay, gagabayan tayo ng diyos sapagkat mahal tayo ng diyos. Dahil nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa.
Tuesday, December 31, 2024
SULATIN #5
Kung hindi ukol, hindi bubukol
Ang pahayag na ito ay nangangahulugang kung hindi ukol hindi ito nakatadhana sa atin o hindi nakalaan para sa atin at binibigyan ito ng kahulugan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay para sa atin. Ang mga pinagdadaanan natin ay ating hinaharap pero ang mga nakalaan na para sa atin ay para sa atin. Ipinapahiwatig din nito ay mga merong bagay na dumadaan lang sa atin.
Sa salitang hindi bubukol ay ang mga bagay na para naman sa atin ang binibigyan ng kahulugan dito. Ang mga bagay na para naman sa atin o nakatadhana sa atin. Ito rin o rito rin sinasabi na kung para sayo ay para sayo na nakatadhana na mangyan o nakalaan parasayo.
Sa bawat pagsubok na ating pinagdadaanan ay dito tayo ipinagtitibay dahil kung isang bagay na alam natin kaya natin ito ay para sa atin hanggang sa dulo. Kahit ito man ay mahirap o madali sa puntong ito dito rin tayo isinusubok sa bawat nararanasan natin. Kaya ang para sa atin ay para sa atin.
SULATIN #4
Kanser ng Lipunan
Marami sa lipunan natin ay may nagaganap na kanser katulad na lamang ng aking kakilala na patingkol sa druga na kanyang ginagamit na nakakaapekto sa kanyang sarili. Ang mga epekto nito ay nakakabahala sa kanyang pamilya na maging sa kanyang kilos ay nagiiba na kagaya na lamang ng mga kilos niya sa pakikitungo niya sa kanyang pamilya na nakakaapekto sa kanyang anak na pati na rin ang kanyang anak ay nahihirapan o natatakot sa kanyang kilos ng dahil sa paggamit ng druga. Ang bawat nararanasan ng kanyang anak ng dahil sa kanya ay nakakaapekto rin ito sa kanyang asawa may pagkakataon na nagtatalo sila ng dahil sa ginagawa nito kagaya na lamang ng pagtatrabaho ay hindi na nito nagawa na naka apekto sa mamumuhay nila at hangga't hindi ito magbabago ay ganito parin ang sistema nito.
Sa patuloy na ganun ang ginagawa niya ay anak nakakaramdam at nakakaapekto ito sa kanyang pag-aaral. Ang kanyang karanasan ay ginagawa na lamang niyang patago dahil ayaw niyang ipakita ang kanyang nararanasan. Sa paraang siya ay namali ng landas o desisyon na nakaapekto sa kanyang pamilya higit niya itong pinagsisihan na nakasira sa kanyang pamilya.
Bagama't ito man ay nangyari sa kanilang pamilya ang ilaw ng tahanan ay ginagawa ang lahat upang mapanatag ang pamilya nito. Ang panganay naman ay nagaaral ng mabuti upang makapagtapos ng magaaral upang makatulong ito sa kanyang magulang. Ito man ang nararanasan ng pamilya ay hindi pa rin susuko sa hamon ng buhay kahit maraming pagsubok na dumating.
SULATIN #3
Tungkol sa gabay ng isang magulang sa kanyang anak at sa anak na gusto niyang gawin ang kanyang gusto. Sa paraang pahiwatig ng linya sa kanta ay ang anak ay naiba ng landas dahil sakanyang kagustuhan at ang anak ay nagsisi sa huli. Bagama't ito ang nangyari sa anak na hindi nakinig sa kanyang magulang.
Kaya't ang aral nito ay makinig sa ating magulang upang hindi tayo maligaw ng landas at makinig sa mga payo ng ating magulang. Upang sa huli ay wala tayong pagsisihan. Sa paraang makinig tayo sa ating magulang o sa nakakatanda.
Kahit ano mang mangyari ang magulang pa rin natin ang ating kakampi kahit na meron man tayong naging kasalanan sakanila. Kahit na sino sa atin merong magulang na hindi kayang tiisin ang kanyang anak na kahit ito ay ipagtabuyan pa. Kaya habang tayo ay mag magulang pa o tao na nand'yan sa atin ito ay ating sundin para sa ikakabuti natin.
SULATIN #2
Araw
Ang buhay niya ay isang araw sa bawat panahon at araw niya ay mayroong paghihirap na kanyang nararanasan. Siya ay si mella ang kanyang mga magulang ay si Jennifer Donor at Gilbert Gernale. Ang buhay niya ay sumisimbolo na parang araw dahil minsan ay ang kanyang nararanasan ay lulubog o lilitaw sa parang lulubog may pagkakataon na na siya ay nahihirap at sa lilitaw naman ay may masarap na kanyang nararanasan.
Sa kahit ano mang hirap ang kanyang nararanasan hindi pa rin siya sumusuko lulubog man lilitaw. Sa paraang pag-aaral siya ay nagsusumikap upang makatapos siya ng sa ganun ay makapagbigay ito ng saya sa kanyang mga magulang. Mabigyan ng sukli ang pahihirap ng kanyang mga magulang.
Ang buhay man niya ay isang araw, hindi pa rin siya sumusuko kahit ano mang problema o balakid. Kung kaya't siya ay laging nananalangin na kahit ganun ang kanyang nararanasan kahit kailan ay hindi siya susuko. Mabagtibayin pa sa kahit ano mang mangyari sakanya.
Hell University ( Book Review) Sta. Lucia High School# 30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City Hell University ni KnightInBlac...
-
Hell University ( Book Review) Sta. Lucia High School# 30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City Hell University ni KnightInBlac...
-
SULATIN #6 Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Ito ay nagbibigay ng pahayag na nasa tao ang gawa o nasa magiging aksyon ng isang t...
-
SULATIN #3 Tungkol sa gabay ng isang magulang sa kanyang anak at sa anak na gusto niyang gawin ang kanyang gusto. S...

