Wednesday, November 20, 2024


 SULATIN #1

       Ang layunin ng aking pagaaral ay makatulong sa pamilya. Makapagtapos sa pag-aaral ay isa sa pinakamahalagang layunin sa aking pangarap. Ito ang pundasyon ng tagumpay at daan tungo sa mas maganda kong kinabukasan. Sa pamamagitan ng edukasyon, magkakaroon ako ng kaalaman at kasanayan na makatutulong sa pag-abot ng ating mga pangarap. Bukod dito, ito rin ay paraan upang maiahon ang pamilya sa kahirapan at magbigay ng inspirasyon sa iba. Bagama't maraming hamon at pagsubok ang maaaring harapin, tulad ng kakulangan sa pera o oras, ang determinasyon at tiyaga ay magsisilbing gabay upang malampasan ang mga ito.


Kahit na mahirap ang buhay na aking tatahakin ay hindi ang susuko dahil ito ay parte na ng ating buhay. Parang araw lamang ito lulubog, litataw at merong mga araw na masaya at malungkot pero ang importante ay hindi tayo susuko. Gaano man kahirap ang tinatahak ng ating buhay.


Kaya ang importante ay tuloy lang natin ang buhay na meron tayo, upang sa ganun ay makatulong tayo sa ating magulang at makapagtapos ng pagaaral para sakanila. Upang maabot natin ang ating mga pangarap para sa atin at sa ating pamilya. Kahit mahirap ang buhay kailangan natin magpatuloy.

Hell University ( Book Review) Sta. Lucia High School# 30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia,  Pasig City Hell University ni KnightInBlac...